Trak vs trak: 2 dedo, 1 pa grabe

TAYTAY , Rizal – Dalawang pahinante ang iniulat na nasawi habang isa pa ang grabeng nasugatan makaraang sumalpok ang isang Isuzu dump truck (WWP-568) sa nakaparadang Mitsubishi Canter truck (UKA-255) sa kahabaan ng Kay Tikling, Taytay, Rizal kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina William San Antonio, 29, ng Rosario St., Brgy. San Juan at isang alyas Junior, samantala, grabeng nasugatan naman si Rene Agones, 24.

Sumuko naman ang driber ng dump truck na si Ricardo Antonio, 54, sa naganap na sakuna dakong alas-5:30 ng hapon habang nagdidiskarga ng kahoy ang mga biktima kasama ang nakaligtas na si Danny Ilang, 28, driver ng Canter. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments