8 tiklo sa bigong bank robbery
November 23, 2001 | 12:00am
Walong kalalakihang notoryus na miyembro ng bank robbery gang kabilang ang isang tiwaling Army Sgt. ang naaresto ng mga awtoridad matapos ang bigong pagnanakaw sa isang sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa.
Ang nadakip na sundalo ay nakilalang si Sgt. Ceferino Morales, aktibong miyembro ng 17th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army na nakabase sa Benguet, Abra at residente ng Kamias St., San Miguel, Tuguegarao City.
Nakilala naman ang iba pa nitong kasamahan na sina Ronald Orpilla, Eduardo Quiban, Nick Bautista, Jaime Bautista, Romulo Auingan, Nelson Hidalgo at Richard Mecate.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang dalawang armalite rifle, apat na caliber .45 pistol, isang .38 caliber revolver, ibat ibang amunisyon at dalawang get-away na sasakyan na kinabibilangan ng isang Honda Civic (WCY-364) at Nissan Sentra (UPK-578).
Batay sa isinumiteng ulat ni Cagayan Provincial Police Office (PPO) Director, Supt. Ricardo Padilla kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza, naganap ang tangkang panloloob ng mga ito sa PNB branch sa bayan ng Lailo dakong ala-6:30 ng gabi.
Natunugan naman ng mga suspek ang pagmamanman laban sa kanila ng mga empleyado ng bangko kung kaya tumakas ang mga ito gamit ang kanilang get-away na sasakyan ngunit nakorner din ng mga nagrespondeng awtoridad sa bisinidad ng Llaro, Aparri. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended