Kahera ginilitan matapos pagnakawan

DASMARIÑAS, Cavite – Pinagsasaksak at ginilitan pa sa leeg hanggang sa mapatay ang isang kahera ng mga hindi kilalang lalaki matapos na pagnakawan ang biktima sa sariling bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Langkaan 2 sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arisna Inopia, 28, may asawa at isang kahera ng Uniwide Deparment Store (Las Piñas City) at residente ng City homes Resortville ng nabanggit na barangay.

Base sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-9: 15 ng gabi na naliligo sa sariling dugo at napag-alamang nawawala ang wallet na may pera at mga alahas sa loob ng aparador na pinalalagay na nanlaban ang babae kaya napilitang patayin. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments