Bodyguard ng pamilya Gordon patay sa ambush
November 21, 2001 | 12:00am
OLONGAPO CITY Isang bodyguard ng pamilya ni Tourism Secretary Richard Gordon ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng limang hindi pa kilalang armadong kalalakihan habang nakasakay sa isang owner-type jeep kasama ang dalawa pa sa Purok 7, Sitio Maliwakat, New Cabalan, dito sa nasabing lungsod kamakalawa ng umaga.
Sa isinumiteng ulat kay Olongapo City Police Office (OCPO) Director Supt. Orlando Madela Jr., kinilala ang biktima na si Eliseo "Boy" Tala, 66, ng 29 Mercurio St., Mabayuan, Olongapo City.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:30 ng umaga habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Purok 7, Sitio Maliwakat kasama ang kanyang live-in partner na si Rina Valdez at kaibigang si Jinky Padilla, sakay ng owner-type jeep (DNA-868) nang bigla na lamang silang ratratin.
Nawalan ng kontrol ang sinasakyan ng mga biktima at mabilis na bumangga sa isang pader habang si Valdez ay mabilis na nakalabas ng sasakyan at tumakbo papalayo, samantalang si Padilla naman ay nanatiling nasa loob ng sasakyan at nakayuko.
Napag-alaman pa sa pulisya na nilapitan pa umano ng mga suspek ang nakalugmok na biktima at saka pinaputukan sa ulo upang matiyak na ito ay patay na.
Matapos ang isinagawang pananambang sa biktima ay tinangay pa ng mga suspek ang dalang baril at wallet ni Tala bago nagsitakas ang mga salarin sa hindi mabatid na lugar. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended