Ibinulgar kahapon ni Provincial Health Officer Dr. Ignacio Pacho na ang mabilis na pagkalat ng tigdas sa siyam na munisipalidad sa nabanggit na lalawigan ay masyadong nakakaalarma partikular na sa bayan ng Silvino Lobos na pinakamaraming namatay na residente.
"Ito ang kauna-unahang pangyayari na ang measles epidemic na nanalasa sa siyam na munisipalidad ay hindi pangkaraniwan dahil marami na ang apektadong mamamayan", ani Dr. Pacho
Dagdag pa ni Dr. Pacho na noong mga nakaraang taon ay kaagad naman nagagamot ang may sakit na tigdas subalit sa kasalukuyan ay hindi na pangkaraniwan ang nabanggit na sakit.
Gayunman, bumuo na ng fact-finding team na kinabibilangan ng mga health experts at specialists mula sa Department of Health (DOH) central office, DOH regional office at mga doctor mula sa Northern Samar provincial hospital upang masusing imbestigahan ang "mahiwagang" nakamamatay na sakit na naging dahilan para maalarma ang mga residente.
Kabilang sa siyam sa dalawamput-apat na bayang apektado ng tigdas ay ang Silvinolobos, Mondragon, Catarman, San Roque, Bonbon, Allen, Rosario, San Jose at San Isidro. (Ulat ni Ricky Bautista)