Aeta timbog sa 12 kilong marijuana
November 15, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang katutubong Aeta ang inaresto ng mga awtoridad matapos makumpiskahan nang may 12 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakatakdang ihatid sa isang big-time drug pusher habang lulan ito ng isang pampasaherong bus sa Barangay Dau, Mabalacat, Pampanga, kamakalawa ng madaling araw.
Sa isinumiteng ulat kay Pampanga Provincial Police Office (PPPO) Director Sr. Supt. Ismael Rafanan, nakilala ang suspek na si Ryan Aclan, 22, ng Tanudan, Timoc, Ifugao.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:45 ng madaling araw ng makatanggap ng isang impormasyon ang mga awtoridad na may isang pasahero ng Victory Liner aircon bus na nagmula sa Baguio City patungong Maynila ang may dalang 12 kilong pinatuyong dahon ng marijuana.
Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Police Intelligence and Investigation Division (PPIID) at ng Regional Mobile Group 3 (RMG3) matapos makatanggap ng "Tip-off" at mabilis na rumesponde sa Terminal bus ng Victory Liner sa Barangay Dau at dito naaresto ang suspek. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest