^

Probinsiya

Tsinoy trader tiklo sa 3 karnap na sasakyan

-
MARILAO, Bulacan – Isang negosyanteng Tsinoy ang iniulat na dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Bulacan PNP makaraang makumpiskahan ng tatlong mamahaling sasakyan na nakatago sa kanyang bodega sa Brgy. Abangan Sur sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Marilao PNP Chief P/Supt. Melchor Reyes ang suspek na si Manuel Tan, alyas Manuel Laurel, 50, may asawa ng nabanggit na barangay.

Makaraan ang ilang linggong pagtitiktik sa naturang lugar ng mga awtoridad ay nakakuha sila ng search warrant na ipinalabas ni Judge Roy Masadao ng Regional Trial Court Branch 9 sa Malolos, Bulacan.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na bandang alas-7 ng gabi nang isagawa ang biglaang pagsalakay sa naturang bodega matapos na makumpirma na itinatago ang mga sasakyang pinaniniwalaang kinarnap.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya, isa sa tatlong sasakyan ay pinalitan ng kulay saka nagpagawa ng mga pekeng dokumento upang maipagbili ang mga kinarnap na sasakyan.

Kabilang sa mga nakumpiska ay isang Nissan Vanette van, Honda Civic at Mitsubishi Galant na may ibat ibang plaka. (Ulat ni Efren Alcantara)

ABANGAN SUR

BULACAN

CHIEF P

EFREN ALCANTARA

HONDA CIVIC

JUDGE ROY MASADAO

MANUEL LAUREL

MANUEL TAN

MELCHOR REYES

MITSUBISHI GALANT

NISSAN VANETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with