^

Probinsiya

Jueteng sa Cavite namamayagpag

-
Mariing kinundina at inirereklamo ng mga residente ng lalawigan ng Cavite ang patuloy na operasyon ng iligal na sugal partikular ang jueteng.

Nanawagan ang mga residente ng Cavite sa tanggapan ng Interior and Local Government na bigyang pansin ang kanilang reklamo laban sa walang tigil na operasyon ng iba’t ibang uri ng sugal.

Nabatid sa isang mapagkakatiwalaang impormante na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa kabila ng mahigpit na kampaya ng kasalukuyang pamahalaan laban sa iba’t ibang uri ng iligal na sugal, lalo pa umanong lumalakas ang operasyon ng jueteng na pinatatakbo ni Central Luzon gambling lord Bong Pineda at Tony Santos sa mga karatig lalawigan tulad ng Laguna, Batangas, Rizal at Mindoro.

Napag-alaman na sa Cavite ay walang humpay umano ang jueteng operation ni Pineda, tulad sa bayan ng General Trias, GMA, Carmona, Mendez, Amadeo, Indang, Kawit, Noveleta, Bacoor at Trece Martirez City.

Nalaman pa rin na may "timbre" umano sa ilang lokal na opisyal kaya’t patuloy ang operasyon ng jueteng sa mga nabanggit na bayan at lungsod.

Ayon pa rin sa impormante, isang nagngangalang "alyas Lita Kabayo at Emil Cantimbuhan" ang nagpapatakbo ng operasyon ng jueteng sa nabanggit na mga lugar.

Ipinagmamalaki umano ng mga ito na naka-timbre ang operasyon ng jueteng sa tanggapan ni Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi at sa Philippine National Police (PNP), Cavite Provincial Headquarters sa Camp General Pantaleon Garcia, Imus, Cavite subalit mariing pinabulaanan naman ng tanggapan ni Maliksi ang nasabing akusasyon. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BONG PINEDA

CAMP GENERAL PANTALEON GARCIA

CAVITE

CAVITE GOVERNOR ERINEO

CAVITE PROVINCIAL HEADQUARTERS

CENTRAL LUZON

CRISTINA GO-TIMBANG

EMIL CANTIMBUHAN

GENERAL TRIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with