Informer ng pulis nilikida ng NPA

PALANAS, Masbate – Isang lalaki na pinaniniwalaang informer ng pulisya ang binistay ng bala ng baril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang naglalakad papauwi sa Sitio Bangkitan, Brgy. Nipa sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ernesto Jaena, 27, binata, jobless ng Sitio Lipata ng nabanggit na lugar.

Naganap ang pangyayari dakong alas-11:30 ng gabi dahil sa may impormasyong nakalap ang mga rebelde na nagbibigay ng detalye ng kanilang operasyon ang biktima sa pulisya kaya naisagawa ang paglikida. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments