PNP director, Comelec registrar at ex-judge sugatan sa ambush
November 4, 2001 | 12:00am
VIRAC, Catanduanes Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang PNP provincial director, provincial Comelec registrar at dating hukom makaraang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang mga biktima ay nakasakay sa isang kotse na bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Ligting sa pagitan ng bayan ng San Andres at Virac kahapon ng umaga.
Kasalukuyang ginagamot sa Bicol Eastern Medical Center ang mga biktimang sugatang sina P/Supt. Charles Calima, Comelec Provincial Registrar Atty. Jane Balesa at dating hukom na si Atty. Honesto Morales na pawang mga residente ng bayan ng Virac.
Naganap ang pananambang dakong alas-10:30 ng umaga makaraang dumalo sa isinagawang pagdinig ng Peoples Law Enforcement Board (PLEB) sa bayan ng San Andres si Calima.
Ayon sa ulat ng pulisya, habang bumabagtas ang mga biktima sakay ng Toyota Corolla na minamaneho ni Calima pabalik sa bayan ng Virac ay biglang nagsulputan ang mga di-kilalang armadong kalalakihan at sunud-sunod na nagpaputok subalit himalang hindi napuruhan ang mga sugatang biktima.
Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kinalaman ang pananambang sa kasong kinakaharap ni Calima sa PLEB at kung may bahid ng pulitika. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest