Nene ni-rape ng 2 adik

BULUSAN, Sorsogon – Isang 13-anyos na dalagita ang halinhinang ginahasa ng magkaibigang adik sa droga sa loob ng bahay ng isa sa mga suspek sa Brgy. Dapdap sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na itinago sa pangalang Joan ay isang 1st year high school samantalang ang mga suspek na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang sina Martin Perez, 25 at Estillo Gamos, 26, na kapwa residente ang nabanggit na barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8:15 ng gabi makaraang kaladkarin ang biktima habang ito ay naglalakad mag-isa. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments