^

Probinsiya

Aircon bus sinunog ng mga rebelde

-
PRIETO DIAZ, Sorsogon – Dahil sa hindi pagbibigay ng revolutionary tax sa grupo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ay napilitang sunugin ang isang pampasaherong aircon bus ng Philtranco habang nakaparada ang sasakyan sa Brgy. Quidolog sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Hindi na nakuhang manlaban pa ni Amador Domosina, 52, driver ng bus na may plakang EVK-186 dahil sa tinutukan siya ng baril habang binubuhusan naman ng gasolina at silaban ang naturang aircon bus.

Nabatid sa ulat ni Brgy. Chairman Francisco Donor, naganap ang pangyayari dakong alas-11:30 ng umaga habang nililinisan ng driver ang aircon bus at bago pa sunugin ang sasakyan ay kinuha muna ng mga rebelde ang telebisyon set at stereo unit.

Mapag-alaman pa na isa sa mga rebeldeng NPA ay nakilalang si Arman Vidar ng Brgy. Sto. Domingo na ngayon ay tinutugis ng pulisya. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AMADOR DOMOSINA

ARMAN VIDAR

BRGY

CHAIRMAN FRANCISCO DONOR

DAHIL

DOMINGO

ED CASULLA

MAPAG

NABATID

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with