Coed ni-rape ng 9 frat men
October 28, 2001 | 12:00am
TUGUEGARAO CITY, Cagayan Siyam na kabataang lalaki na pawang mga miyembro ng fraternity ang kinasuhan ng tatlong kaso ng rape dahil sa panggagahasa sa isang 18-anyos na ka-fratmate noong nakaraang Oktubre 12, 13 at 14, 2001.
Kinilala ni P/Supt. Ricardo Padilla, provincial police director ang mga suspek na sina William Turo, Deo Romano, Balong Pascua, Enteng Aracad, Efren Agacela, Elmer de Ocampo, Resty Gonzales, Jay-Ar Francisco at Sherwin Macagga.
Napag-alaman kay Cagayan Valley Police Director P/Chief Supt. Dominador Resos, Jr. na ang kaso ay nasa sala ni Judge Tomas Lasam ng municipal trial court ng Aparri.
Ayon sa ulat ng pulisya, sina Pascua, Agacela at Francisco ay kasalukuyang nakapiit sa district jail sa bayan ng Tuao makaraang madakip sa bayan ng Piat at Alcala.
Samantala, ang iba pang suspek ay tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar upang hindi madiskaril ang isinasagawang operasyon.
Ang mga suspek ay pawang mga miyembro ng Beta Kappa fraternity habang ang biktima na nahikayat naman sumapi sa naturang grupo ay sumailalim sa fraternity initiations noong nakaraang buwan.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, unang ginahasa ang biktima ni Turo noong Oktubre 12 sa madilim na park sa bayan ng Tuao.
Ikalawang pangyayari ay naganap noong Oktubre 13 sa bahay ni Aracad kasama sina Turo, Francisco, Pascua, Agacela at Gonzales sa bayan ng Piat.
Nabatid pa sa pulisya, kinabukasan ng Oktubre 14 ay ginawang pangregalo ang biktima kay Romano na master ng Beta Kappa fraternity.
Sa bahay ni Romano naganap ang ikatlong panggagahasa kabilang na ang mga suspek.
Nakatakas lamang ang biktima nang makatulog ang mga suspek dahil sa pagod at mabilis naman naipagbigay alam sa mga awtoridad ang pangyayari sa tulong ng ina ng boyfriend nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 14 hours ago
By Victor Martin | 14 hours ago
By Omar Padilla | 14 hours ago
Recommended