^

Probinsiya

2 alkalde ng lalawigan kinasuhan sa Sandiganbayan

-
Dalawang alkalde ng magkaibang lalawigan at ilang opisyal nito ang ipinagharap ng kasong kriminal sa Sandiganbayan ng tanggapan ng Ombudsman.

Si Malabuyok, Cebu Mayor Lito Narciso E. Creus ay ipinagharap ng kasong usurption of authority of official function dahil sa umano’y illegal na pag-i-issue nito ng mayor’s permit kung saan pinayagan nito ang PLD Construction na makapaghukay at pakialaman ang Sariling river ng nasabing lalawigan.

Sinabi ng Ombudsman na batay sa Sec. 138 ng Republic Act No. 7160, walang karapatan si Creus na mag-issue ng nasabing permit dahil sa ito ay nasa hurisdiksiyon ng gobernador ng naturang lalawigan.

Kasama ding ipinagharap ng kasong katiwalian sina Cebu City Administrator Alan C. Gaviola; City Treasurer Eustaquio B. Cesa; Cash Division Chief Benilda N. Bacasmac at City Accountant Edna J. Jaca ay nagsabwatan na makakuha ng cash advance ang isang nagngangalang Luz M. Gonzales.

Sinabi ng Fact Finding Investigation Committee na sa kabila ng kaalaman ng mga naturang opisyal na mayroon pang unliquidated cash advance si Gonzales ay pinayagan pa rin ng mga ito na makakuha ng P9.8M cash advance.

Samantala, malaki din ang posibilidad na matanggal sa kanyang posisyon si Mariveles Bataan Mayor Angel V. Peliglorio dahil sa umano’y pambubugbog na ginawa nito sa isang nagngangalang Randy M. Recto.

Nagtamo ito ng malubhang sugat kaya’t inireklamo si Peliglorio sa tanggapan ng Ombudsman. (Ulat ni Grace Amargo)

CASH DIVISION CHIEF BENILDA N

CEBU CITY ADMINISTRATOR ALAN C

CEBU MAYOR LITO NARCISO E

CITY ACCOUNTANT EDNA J

CITY TREASURER EUSTAQUIO B

CREUS

FACT FINDING INVESTIGATION COMMITTEE

GONZALES

GRACE AMARGO

LUZ M

MARIVELES BATAAN MAYOR ANGEL V

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with