Sinampahan sa Antipolo Prosecutors Office sina team leader Capt. Erickson Dilag; mga tauhan niyang sina P02 Ronald Cuya; PO2 Ernesto Bautista; PO2 Gatmar Jatalis; PO2 Pablito dela Cruz; PO1 Glen Salcedo at PO1 Crispin Cullinio, pawang mga nakatalaga sa PNP-SAFCamp Bagong Diwa, Bicutan.
Itoy base sa mga reklamo ng mga kamag-anak ng mga biktimang si Raul Maguiza, 38, brgy. tanod; Domeng Aniceto, 30; Emiliano dela Rosa, 46; at anak na si Reynaldo, 26 ng Sitio San Isidro, Bgy. San Jose ng lungsod na ito.
Sa reklamo ni Juan Maguiza, ama ng biktimang si Raul at ni Jonathan dela Rosa, anak naman ni Emiliano, nangangaso lamang umano ng baboy ramo ang apat sa may Sitio Kasunugan malapit sa hangganan ng Rizal at Quezon nang tadtarin ng bala ng mga militar.
Kasunod nito, pinabulaanan naman ng NPA leadership na naka-base sa Southern Tagalog region na ang mga napatay ay kanilang miyembro. (Ulat ni Danilo Garcia)