^

Probinsiya

7 PNP-SAF kinasuhan ng murder

-
ANTIPOLO CITY – Matapos na walang awang paslangin ang kanilang apat na kamag-anak na mangangaso, sinampahan kahapon ng mga galit na kapamilya nito ng kasong murder ang pitong miyembro ng PNP-Special Action Forces na nag-akalang mga New People’s Army (NPA) ang mga biktima.

Sinampahan sa Antipolo Prosecutor’s Office sina team leader Capt. Erickson Dilag; mga tauhan niyang sina P02 Ronald Cuya; PO2 Ernesto Bautista; PO2 Gatmar Jatalis; PO2 Pablito dela Cruz; PO1 Glen Salcedo at PO1 Crispin Cullinio, pawang mga nakatalaga sa PNP-SAFCamp Bagong Diwa, Bicutan.

Ito’y base sa mga reklamo ng mga kamag-anak ng mga biktimang si Raul Maguiza, 38, brgy. tanod; Domeng Aniceto, 30; Emiliano dela Rosa, 46; at anak na si Reynaldo, 26 ng Sitio San Isidro, Bgy. San Jose ng lungsod na ito.

Sa reklamo ni Juan Maguiza, ama ng biktimang si Raul at ni Jonathan dela Rosa, anak naman ni Emiliano, nangangaso lamang umano ng baboy ramo ang apat sa may Sitio Kasunugan malapit sa hangganan ng Rizal at Quezon nang tadtarin ng bala ng mga militar.

Kasunod nito, pinabulaanan naman ng NPA leadership na naka-base sa Southern Tagalog region na ang mga napatay ay kanilang miyembro. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO PROSECUTOR

BAGONG DIWA

CRISPIN CULLINIO

DANILO GARCIA

DOMENG ANICETO

EMILIANO

ERICKSON DILAG

ERNESTO BAUTISTA

GATMAR JATALIS

GLEN SALCEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with