Kinilala ng pulisya ang biktima na si Allan Velasco, isang loan collector ng hindi nabatid na kompanya at residente ng naturang barangay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, natagpuan ng mga kasambahay ang bangkay ng biktima dakong ala-6:30 ng gabi na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Nabatid sa ulat ng pulisya, ang mga ipupuslit na sako ng bigas ay lulan ng isang track (UEF-991) na minamaneho ni Eduardo Lara ng Tabaco, Albay nang masabat ng mga awtoridad.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga taong kasabwat sa tangkang pagpupuslit ng imported na bigas. (Ulat ni Ed Casulla)
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffrey Uplak ng naturang lugar.
Samantala, isa sa tatlong suspek ay nakilalang si John Sobrepena na ngayon ay tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar upang hindi madiskarel ang isinasagawang operasyon.
Nabatid sa ulat ng pulisya, napagtripan ng mga suspek na lango sa droga na hagisan ng pillbox ang biktima sa nabanggit na lugar dakong alas-10 ng gabi. (Ulat ni Efren Acantara)
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Adner de Guzman ng Brgy. Amagna ng naturang lugar.
Samantala, ang pangalan ng pulis na pansamantalang hindi ibinunyag ay may ranggong PO1 ng San Felipe PNP Station.
Napag-alaman sa salaysay ni Gina de Guzman, ina ng biktima na dinakip ang kanyang anak dakong alas-9 ng umaga makaraang mapagbintangang nagnakaw sa tindahang pag-aari ng isang Brgy. kagawad. (Ulat ni Erickson Lovino)