^

Probinsiya

4 mangangaso tinodas ng PNP-SAF

-
ANTIPOLO CITY – Apat na mangangaso ang iniulat na napatay ng mga operatiba ng PNP-Special Action Force matapos na mapagkamalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA), kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Raul Magisa, 38; Domeng Aniceta, 30; Emiliano dela Rosa, 46 at anak na si Reynaldo, 26, pawang mga residente ng Sitio San Isidro, Brgy. San Jose ng lungsod na ito.

Samantala, nakilala naman ang mga nakapatay na PNP-SAF na sina SPO1 Ronald Cuya; SPO2 Ernesto Bautista; SPO2 Arthur Jatalis; SPO1 Glen Salcedo; SPO1 Crispin Colinio at PO2 Pablito dela Cruz. Nagtamo ang mga ito ng mga tama ng bala sa likuran ng kanilang katawan, narekober sa lugar ang apat na shotgun na umano’y pag-aari ng mga biktima.

Sa ulat na nakarating kay Supt. Reynaldo Macalalad, hepe ng Antipolo police, isang insurgency operation ang isinasagawa ng PNP-SAF sa Sitio Kasunugan dakong alas-9:15 ng umaga noong nakaraang linggo dahil sa hinalang pinagkukutaan ito ng mga rebelde.

Dito nila nakita ang mga biktima kung saan isa umanong palitan ng putok ang naganap.

Agad namang nagtungo sa opisina ni Macalalad ang mga kamag-anak ng mga biktima at pinasinungalingan na rebelde ang kanilang mga pamilya. Sinabi ng mga ito na pawang mga mangangaso lamang at patungo na sa kanilang paboritong lugar nang makita ng mga pulis.

Pawang mga improvised shotgun lamang ang mga armas ng mga biktima. Kung mga rebelde umano ang mga ito ay dapat sana’y armalite at mga baril lamang ang dala ng mga biktima.

Sinabi naman ni Macalalad na ipinadala na niya ang mga narekober na armas para sa ballistic tests sa PNP Crime Lab habang isasailalim na sa awtopsiya ang mga bangkay ng mga biktima. (Ulat nina Danilo Garcia at Joy Cantos)

ARTHUR JATALIS

CRIME LAB

CRISPIN COLINIO

DANILO GARCIA

DOMENG ANICETA

ERNESTO BAUTISTA

GLEN SALCEDO

JOY CANTOS

MACALALAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with