^

Probinsiya

Ex-vice mayor, 5 pa timbog sa robbery in band

-
Isang ex-vice mayor ang nagdulot ng panibagong kahihiyan sa pamahalaan matapos madakip kasama ang lima pang suspect sa kasong robbery in band sa Western Mindanao, ayon sa ulat ng mga opisyal ng pulisya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina ex-vice mayor Eugenio Bello, Edgar Francisco, Ernesto Cero, Amador Enderes, Rizalde Permetes at Gerry Dragon.

Si Bello ay dating bise-alkalde sa bayan ng Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte nang madakip kasama ang iba pang mga suspek ng mga operatiba ng Regional Intelligence Office-9, Zamboanga del Norte Provincial Police Office at National Bureau of Investigation (NBI).

Batay sa rekord ng pulisya, matagal ng wanted sa batas ang grupo ni Bello dahil ilang taon na umanong sangkot ang mga ito sa kasong robbery in band sa naturang lalawigan at kamakailan lamang nagkaroon ng pagkakataon ang pulisya upang mabitag ang mga ito.

Ang mga suspek ay ipinagharap ng kasong robbery in band sa Municipal Trial Court ng Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte.

Ang pagkakadakip sa mga ito ay bunsod umano ng ipinatutupad na Oplan Manhunt-Bravo ng PNP.

Bago ang pagkakaaresto kay Bello ay matatandaang nadakip ang isa pang lokal na opisyal na si Panulukan, Quezon Mayor Ronnie Tena Mitra dahil sa pagkakasangkot nito sa drug trafficking matapos makumpiskahan ng bilyong shabu nitong nakalipas na Linggo. (Ulat ni Joy Cantos)

AMADOR ENDERES

EDGAR FRANCISCO

ERNESTO CERO

EUGENIO BELLO

JOY CANTOS

MUNICIPAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SERGIO OSME

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with