NPA rebs patay, 3 pa nalambat sa engkuwentro
October 16, 2001 | 12:00am
Isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nasawi habang tatlo pa nitong kasamahan ang nalambat makaraang makasagupa ang mga operatiba ng pulisya sa Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga sa Sitio Dalagan, Brgy. Sampaloc, Bugon, Sariaya, Quezon.
Kinilala ng pulisya ang napatay na rebelde na isang alyas Ka Omar habang tatlo pa nitong kasamahan ay pansamantalang hindi tinukoy ang mga pangalan dahil isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon.
Ang sagupan ay naganap dakong alas-11 ng umaga habang nagsasagawa ng operation ang pinagsanib na puwersa ng Sariaya PNP, 415th Provincial Police Mobile Group (PPMG) at Intelligence operatives ng AFP (Southern Luzon Command) sa kagubatan ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Jorge Hallare | 20 hours ago
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am
November 16, 2024 - 12:00am
November 15, 2024 - 12:00am