2 tauhan ni bin Laden sumama sa Sayyaf sa Basilan
October 15, 2001 | 12:00am
ISABELA CITY, Basilan Dalawa sa tauhan ni Saudi dissident millionaire Osama bin Laden ay sumama sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf sa pakikipagsagupaan sa tropa ng militar sa kagubatan ng Basilan island.
Ito ang kinumpirma kahapon ng isa sa apat na bihag na naisalba ng militar mula sa mga bandidong Sayyaf sa Brgy. Lumbang dakong ala-1 ng hapon.
Nabatid kay Joel Guillo, 26, isang accounting clerk sa Dr. Jose Torres Hospital sa Lamitan na dumating at sumama sa pakikipaglaban sa militar ang dalawang tauhan ni bin Laden noong nakaraang Set. sa pamamagitan ng backdoor.
Kinilala ng militar ang tatlo pang naisalbang bihag na sina Rodrigo Solon, 37; Reynaldo Ariston, 26 at Ruben Baldesamos, 18 na pawang trabahador ng Golden Harvest, Inc. sa Lantawan.
"Dumating ang dalawang followers ni Osama bin Laden sa Basilan island matapos na bombahin ng mga terorista ang World Trade Center sa US noong Sept. 11," ani Guillo.
Inilarawan ni Guillo ang dalawa na kapwa Yemen nationals na ang isa ay may balbas at tumatayong advisers ng mga bandidong Sayyaf na pinamumunuan nina Khadaffy Janjalani, Abu Sabaya, Isnilon Hapilon at Hamsiraji Sali.
Sinabi pa ni Guillo na pinayuhan ng dalawang Yemen nationals ang mga bandidong Sayyaf na tumigil na sa pamumugot at pagkidnap ng sibilyan at ipagpatuloy ang pagnanakaw sa mga negosyante upang maisuporta sa organisasyon.
Kinumpirma rin ng mga naisalbang apat na bihag ang presensya ng mga Arab nationals, ayon kay Armed Forces Southern Command Chief Lt. Col. Roy Cimatu.
Subalit hindi nabatid ni Cimatu ang pinagpuslitan ng mga Arab nationals.
Idinagdag pa ni Guillo na si Janjalani at walo nitong tauhan ang tumayong escort ng dalawang Yemen nationals upang makalabas ng Basilan.(Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest