10 sundalo grabe sa pagsabog ng landmine
October 12, 2001 | 12:00am
Sampung sundalo ang grabeng nasugatan makaraang sumambulat ang landmine na itinanim ng grupo ni Sulu based Abu Sayyaf leader Commander Mujib Susukan habang bumabagtas ang behikulo ng militar sa kahabaan ng Brgy. Lantad sa bayan ng Indanan, Sulu kamakalawa.
Kinilala ang mga nasugatang sundalo na sina Ltc. Arnulfo Jose Marcos ng 2nd Scout Ranger Battalion (SRB); 1Lt. Joel Dueda ng 26th Special Forces Armored Company (LAC); Sgt. Margarito Susada, Sgt. Rogelio Almendral, Cpl. Alexander Castillo at Cpl. Gil Cerce; pawang ng 2nd Scout Ranger Battalion (SRB); Cpl. Kim Enson ng 37th ng Recoinassance Special Company at Pfc. Ammad Benbad ng 36th RSC.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Jaime de los Santos, dakong alas-4:45 ng hapon ng maganap ang insidente.
Napag-alaman na kasalukuyang bumabagtas ang Simba vehicle at M35 truck ng Phil. Army sa nasabing lugar ng biglang sumambulat ang landmine na itinamin ng grupo ni Commander Susukan matapos na matunugan na dito daraan ang puwersa ng mga sundalo ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest