^

Probinsiya

Adik nanaksak muna saka nag-suicide

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan - Isang 22-anyos na lalaki na pinaniniwalaang adik sa droga ang nanaksak ng isang Brgy. kagawad saka nag-suicide sa pamamagitan ng pagsaksak ng patalim sa kanyang dibidib sa Brgy. San Nicolas, Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang adik na lalaki na si Jun Payumo, binata ng Sitio Buga, Brgy. Sta. Elena ng naturang lugar, samantala, ang nasugatang biktima naman ay nakilalang si Erlinda dela Cruz, 56 ng Brgy. Mercado ng nabanggit na bayan.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, napagtripang pumasok ng suspek sa bahay ng biktima at walang pasabing inundayan ito ng saksak sa balikat bago lumundag mula sa ikawalang palapag.

Ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya, dahil sa pagkalango sa droga ng suspek at inakalang napatay ang biktima ito ay nagsaksak sa dibdib. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BRGY

BULACAN

CRUZ

EFREN ALCANTARA

ELENA

ERLINDA

HAGONOY

JUN PAYUMO

SAN NICOLAS

SITIO BUGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with