Banggaan ng bus at jeepney: 2 patay, 22 grabe
October 4, 2001 | 12:00am
OLONGAPO CITY Dalawa katao ang iniulat na nasawi habang dalawamput-dalawa pang iba ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang sinasakyang pampasaherong jeep ng mga biktima sa kahabaan ng Brgy. Kalaklan ng lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawing mga biktima na sina Jesusa Espinosa, 65, ng Brgy. Sto. Tomas, Subic, Zambales at Lea Lacambra, 38, ng 84-C Rizal St.,Brgy. Barretto, Olongapo City.
Samantala, ang mga biktimang malubhang nasugatan na ngayon ay bineberipika pa ang mga pangalan ay isinugod sa James L. Gordon Memorial Hospital.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-4:30 ng hapon sa pa-zigsag na daan ng nabanggit na lugar.
Habang binabagtas ng driver na si Carlos Antioquia ng isang pampasaherong jeepney na may plakang CVP-103 ang kahabaan ng nabanggit na lugar ay biglang sinalubong sila ng Victory Liner aircon bus na may plakang CWP-275 at minamaneho ni Elmer Bonilla.
Dahil sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima papalabas ng sinasakyang behikulo. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended