Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edgar Enojero, 35, may asawa ng Marquez St., Old Albay, Legazpi City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dumalo sa piyestahan at habang nakikipagsayaw ang biktima sa kaparehang babae ay nilapitan ito ng isa sa mga NPA rebels at inanyayahang lumabas sandali.
Subalit pagkahiwalay ng kaparehang babae ay pinaputukan na ito ng mga rebelde hanggang sa mapatay. (Ulat ni Ed Casulla)