Illegal logger tinodas ng mga rebelde
September 25, 2001 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang pinaghihinalaang illegal logger habang masuwerte namang nakatakas ang iba pa nitong kasamahan matapos na maaktuhang namumutol ng punongkahoy sa gubat na lugar ng Brgy. Dayap, Sta. Cruz, Occidental Mindoro, ayon sa ulat kahapon.
Nabistay ng bala at namatay noon din ang biktimang kinilalang si Roy Guarin, 27.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Kuwarenta, Brgy. Dayap sa bayan ng Sta. Cruz.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang namumutol ng punongkahoy ang biktima kasama sina Rolly Regalado, Berting Vergara at Boy Vergara, pawang residente ng nasabing lugar.
Limang armadong kalalakihan ang bigla na lamang umanong sumulpot at pinagbabaril ang mga biktima.
Napuruhan si Guarin sa nasabing insidente habang mabilis namang nakatak-bo ang tatlo pa nitong kasamahan upang iligtas ang kanilang mga sarili. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Doris Franche-Borja | 21 hours ago
By Jorge Hallare | 21 hours ago
Recommended