^

Probinsiya

Hold order sa 6 suspek sa murder ng ex-mayor

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Hiniling kahapon ng pulisya sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) na magpalabas ng hold-departure order laban sa dating mayor ng San Ildefonso, Bulacan at 5 pang iba dahil sa pinaniniwalaang sangkot sa pagkakapatay kay dating Mayor Honorato Galvez at sa alalay nito noong Hunyo 9, 2000 sa Barangay San Juan, San Ildefonso ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid kay Central Luzon PNP Director P/Chief Supt. Reynaldo Berroya, ang naturang kahilingan ay mula kay Bulacan PNP Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuna makaraang magpalabas ng warrant of arrest si Judge Basilio Gabo ng Malolos Regional Trial Court laban kina dating San Ildefonso Mayor Enrique Viudez, Jr., Eulogio Villanueva, Ronald Manabat, Cirilo dela Cruz ng Brgy. Tibangan; Guilberto Chico ng Brgy. Camias at Edmond Fernando ng Brgy. Tibagan na pawang mga taga-San Miguel, Bulacan.

Napag-alaman pa sa ulat ni Acuna, si Viudez at iba pang kasama nito ay kinasuhan sa pagpatay kay dating Mayor Galvez at alalay nitong si Rodolfo Mangahas.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, si Galvez at Mangahas ay pinatay ng nag-iisang suspek makaraang dumalo ang mga biktima sa isang pagpupulong ng Rotary Club sa Brgy. San Juan, San Ildefonso.

Ayon sa record ng pulisya, lumalabas na si Galvez ay pangunahing suspek sa pagpatay sa isang estudyante ng La Salle na si Alvin Vinculado subalit napawalang sala ng korte.

Si Galvez ay napaulat na kakandidato sana sa pagka-alkalde sa bayan ng San Ildefonso nang mapatay. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ALVIN VINCULADO

BARANGAY SAN JUAN

BRGY

BULACAN

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

EDGARDO ACUNA

SAN

SAN ILDEFONSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with