Nene ni-rape-slay ng adik

GUMACA, Quezon – Hindi pa man nalulutas ng pulisya ang kaso ng rape-slay sa isang 15-anyos na dalagita noong isang linggo sa Sitio Cabangan, Patnanungan, Quezon ay isa na namang batang babae ang ni-rape-slay ng isang 27-anyos na lalaki kamakalawa ng umaga sa Barangay Inaclagan ng nabanggit na lugar.

Kinilala ng pulisya ang panibagong biktima ng rape-slay na si Cris Ann Gamos, 10, grade six pupil ng naturang lugar.

Natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-11:20 ng umaga na nakalutang sa Inaclagan river na may tali ang leeg at pasa sa katawan na pinaniniwalaang pinahirapan muna bago pinatay.

Samantala, ang suspek na pinaniniwalaang lango sa droga ay kinilalang si Ricardo Licardo at kusang umamin sa naganap na krimen at ngayon ay nakapiit sa PNP detention cell. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments