Kinilala ng pulisya ang biktima na si Faustino Dimaliwat, may sapat na gulang at guro sa isang pampublikong paaralan na hindi ibinulgar ang pangalan.
Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni P/Supt. Jose Carreon, hepe ng pulisya ng bayang ito, lumalabas na nagpaalam ang biktima sa pinapasukang eskuwelahan na pansamantalang magbabakasyon dahil sa natutunugan na nitong nabuko na ang kanyang estilong paninirang puri sa kanilang principal.
Magmula ng magbakasyon ang biktima ay hindi na ito nakitang lumabas pa ng kanilang bahay na pinaniniwalaan ng pulisya na napahiya na ito sa ginawa laban sa punong guro.
Bago pa maganap ang pagpapakamatay ng biktima ay malimit nang mag-away ang mag-asawa dahil sa naturang isyu hanggang sa magkulong na lamang sa kuwarto si Faustino.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, hindi rin pinaunlakan ng biktima ang pagpapatawag sa kanya ng punong guro upang magpaliwanag sa nabanggit na isyu hanggang sa magpasya na lamang itong magpakamatay dahil sa umanoy kahihiyang inabot. (Ulat ni Efren Alcantara)