Ambulansya vs bus: Pulis patay, 5 grabe
September 11, 2001 | 12:00am
GAPAN CITY Isang miyembro ng pulisya ang iniulat na nasawi habang lima pang katao ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang sinasakyang ambulansya ng mga biktima sa kahabaan ng Brgy. Sto. Cristo Norte ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si SPO2 Honorato Lista, 38, may asawa, nakatalaga sa PRO-CAR at residente ng Sta. Maria, Alfonso Lista, Ifugao.
Samantala, ang mga biktimang grabeng nasugatan na nasa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ay nakilalang sina Maximo Dalijia, Arnold, Ronnie, Lennie at Mary Ann Cudiamat na pawang mga residente ng Brgy. Namnama, Alfonso Lista ng naturang lugar.
Batay sa ulat ni P/Supt. Antonio Tanchoco, hepe ng Gapan City police station kay Nueva Ecija PNP Director P/Supt. Raul Bacalzo, naganap ang pangyayari bandang alas-11:45 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Lista ang ambulansya sakay ang limang biktima patungong timog nang salpukin ng isang Dalmatian aircon bus na may plakang BVL-395.
Nakilala naman ang driber ng aircon bus na si Pedro Jacob na ngayon ay tinutugis ng pulisya upang panagutin sa pangyayari. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest