Ayon kay MILF Spokesman Eid Kabalu, mali ang paratang ng mga kritiko partikular na ang militar na ang kanilang grupo ang nagsagawa ng pananambang sa convoy ng target na opisyal.
Sa nasabing ambush attack ay nakaligtas si Ampatuan pero minalas na masugatan ang apat na security escorts nito na kinilalang sina Sgt. Pitchie Juanites, Bobby Santua, miyembro ng CAFGU; Lasam Samal, civilian volunteer at Cpl. Joel Aniego ng Armys 6th Infantry Division.
Sinabi ni Kabalu na hindi sila maaring masangkot sa pananambang kay Ampatuan dahil na rin sa isinasagawang peace talks sa pagitan ng MILF at GRP peace panel na nakatakdang magpatuloy ang 3rd rounds ngayong Setyembre ng taong kasalukuyan.
Magugunita na kasalukuyang bumabagtas ang behikulo ng gobernador sa Brgy. Meta, Shariff Aguak, Maguindanao patungong Cotabato City ng tambangan ng hindi pa madeterminang bilang ng mga armadong kalalakihan. (Ulat ni Joy Cantos)