^

Probinsiya

Ambus sa convoy ni Gov. Ampatuan, itinanggi ng MIL

-
Mariing itinanggi kahapon ng liderato ng separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ang kanilang grupo ang responsable sa pananambang sa convoy ni Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan, kamakalawa ng umaga na nagresulta sa pagkasugat ng apat na security escorts nito sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay MILF Spokesman Eid Kabalu, mali ang paratang ng mga kritiko partikular na ang militar na ang kanilang grupo ang nagsagawa ng pananambang sa convoy ng target na opisyal.

Sa nasabing ambush attack ay nakaligtas si Ampatuan pero minalas na masugatan ang apat na security escorts nito na kinilalang sina Sgt. Pitchie Juanites, Bobby Santua, miyembro ng CAFGU; Lasam Samal, civilian volunteer at Cpl. Joel Aniego ng Army’s 6th Infantry Division.

Sinabi ni Kabalu na hindi sila maaring masangkot sa pananambang kay Ampatuan dahil na rin sa isinasagawang peace talks sa pagitan ng MILF at GRP peace panel na nakatakdang magpatuloy ang 3rd rounds ngayong Setyembre ng taong kasalukuyan.

Magugunita na kasalukuyang bumabagtas ang behikulo ng gobernador sa Brgy. Meta, Shariff Aguak, Maguindanao patungong Cotabato City ng tambangan ng hindi pa madeterminang bilang ng mga armadong kalalakihan. (Ulat ni Joy Cantos)

AMPATUAN

BOBBY SANTUA

COTABATO CITY

INFANTRY DIVISION

JOEL ANIEGO

JOY CANTOS

LASAM SAMAL

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOVERNOR DATU ANDAL AMPATUAN

SHARIFF AGUAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with