4 NPA rebels patay sa encounter
September 3, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Apat na miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na sumalakay sa PNP detachment sa Pagbilao, Quezon ang iniulat na nasawi makaraang makasagupa ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng pulisya at tropa ng militar sa hangganan ng Atinoman, Padre Burgos at Unisan, kahapon ng umaga.
Sa ulat na isinumite kay Quezon PNP Provincial Director P/Supt. Roberto Rosales, naganap ang engkuwentro dakong alas-10:30 ng umaga habang tinutugis ng mga tauhan ng Quezon PNP at ng Armys 76th Infantry Battalion ng Phil. Army sa pamumuno ni Col. Jojie Segovia ang grupo ng NPA rebels na lumusob sa nabanggit na PNP detachment.
Kasalukuyan pang bineberipika ang mga pangalan ng apat na rebelde na nakarekober din ng limang M-16 armalites rifles.
Nagtayo na ng mga checkpoint sa ibat ibang kalsada sa Atimonan at Pagbilao, Quezon na posibleng daanan ng mga rebelde.
Magugunitang nilusob ng mga rebeldeng grupo ng Maxell sa ilalim ng Melito Glor Command ang PNP detachment sa Pagbilao noong Biyernes ng madaling araw na ikinasawi ng isang pulis at isang amasona. (Ulat nina Tony Sandoval at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest