^

Probinsiya

Obrero pinatay ng 5 lalaki

-
ANTIPOLO CITY — Brutal na kamatayan ang inabot ng isang 19-anyos na lalaki makaraang pagtulungang saksakin ng limang lalaking magkakapamilya dahil sa matagal nang away ng kanilang angkan, kahapon ng madaling-araw sa lungsod na ito.

Nagtamo ng napakaraming saksak sa buong katawan ang biktimang si Nilo Diaz, binata, obrero, ng #07 Technoroad, Purok Silangan, Brgy. dela Paz.

Isang malawakang manhunt naman ang ipinag-utos ni Antipolo police chief Supt. Reynaldo Macalalad upang maaresto ang mga suspek na sina Jimmy dela Cruz, Puto Arandia, Dondon Arandia, Sebio Arandia at Alejo Arandia, pawang mga tubong Samar.

Sa ulat ng pulisya, papauwi ang biktimang si Diaz dakong alas-2 ng madaling-araw nang harangin ng mga suspek sa isang madilim na eskinita ng Purok Silangan.

Hindi na nagawa pang makaporma ni Diaz nang agad siyang lusubin ng mga suspek at umpisahang bugbugin. Nagsilbing look-out naman umano ang dalawa sa mga suspek habang pinagsasaksak ng tatlo nilang kasamahan ang biktima.

Ayon kay SPO1 Glen Bueno, imbestigador, gantihan umano ng kanilang angkan mula pa sa Samar ang ugat ng krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEJO ARANDIA

DANILO GARCIA

DIAZ

DONDON ARANDIA

GLEN BUENO

NILO DIAZ

PUROK SILANGAN

PUTO ARANDIA

REYNALDO MACALALAD

SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with