Treasurer's office pinasabog ng rebeldeng Muslim
September 1, 2001 | 12:00am
Pinasabog ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan na pinaghihinalaang mga rebeldeng Muslim ang Municipal Treasurers Office ng Lambayog, Sultan Kudarat kamakalawa.
Nagtamo ng grabeng pinsala ang nasabing tanggapan sa pagsabog ng hindi pa mabatid na uri ng bomba na suwerte namang walang naitalang nasugatang sibilyan.
Batay sa report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7:15 ng gabi nang marinig ng mga residente malapit sa lugar ang malakas na pagsabog sa katimugang bahagi ng gusali ng munisipyo ng Lambayog.
Ayon sa pahayag ng ilang mga residente, bago naganap ang pagsabog ay ilang kahinahinalang kalalakihan ang nakita nilang umaaligid sa nasabing lugar.
Ilang saglit pa ay narinig nila ang malakas na pagsabog na natuklasang tinaniman ng bomba ang nasabing tanggapan.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpapasabog. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest