1 pang killer ng Irish priest, tiklo
September 1, 2001 | 12:00am
PARANG, Maguindanao Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa pa sa anim na suspek na brutal na pumatay sa Irish priest na si Rufus Halley sa patuloy na pagtugis ng mga awtoridad sa mga ito.
Kinilala ni Senior Supt. Omar Ali, operations chief ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang ikalawang suspek na naaresto na si Canal Macapodi, na umanoy nagsilbing lookout sa pagpatay sa pari.
Ang pinagsanib na puwersa ng pulisya, sundalo at civilian volunteers ang siyang nakaaresto kay Macapodi sa Brgy. Upper Bomba sa bayan ng Malabang.
Una ng naaresto ng mga awtoridad noong Miyerkules ng hapon si Abdulsamad Ibrahim, na siyang driver ng sasakyan na ginamit sa kanilang pagtakas matapos mapatay ang pari.
Samantala, patuloy ang pagdadalamhati ng mga mamamayan sa ibat-ibang bayan ng lalawigan ng Lanao del Sur na nagtungo sa Malabang kung saan ay doon nakaburol si Halley.
Nagpasa naman ang provincial board ng Maguindanao ng isang resolution na kumukondena sa ginawang brutal na pagpatay sa pari. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest