Kolektor na namutol ng linya ng tubig, pinatay
August 31, 2001 | 12:00am
IMUS, Cavite Dahil sa pagputol ng linya ng tubig ay nagawang barilin at napatay ang isang kolektor na lalaki ng kanyang kliyente na tumangging magbayad ng bill ng tubig, kamakalawa ng hapon sa Barangay Pinagbuklod Bahayang Pag-asa Subd. ng bayang ito.
Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre 45 baril sa dibdib ay nakilalang si Christopher Domingo, 25, binata, kolektor ng tubig sa water works ng naturang subdivision at anak ng barangay captain ng Molino 5, Bacoor, Cavite.
Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Henry Navarra ng Blk 5, Lot 4, Phase 4, Balmore St., Bahayang Pag-asa, Imus ng naturang lalawigan.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen bandang alas-4 ng hapon habang pinuputol ng biktima ang linya ng tubig sa bahay ng suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest