Napag-alaman sa ulat ng pulisya na pinutol ang barb wire na nagsisilbing bakod saka pumasok ang mga magnanakaw sa likurang bahagi ng opisina ni Bayombong Bishop Ramon Villena.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinangay ng mga magnanakaw ang isang laptop, aircondition, video cassette player/recorder, electronic typewriter at manual typewriter.
Nadiskubre ni Jimmy del Rosario, driver at aide ni Bishop Villena ang pangyayari bandang alas-6 ng umaga habang siya ay naglalagay ng mga ilaw sa ilang bahagi ng gusali.
Ayon naman sa isang empleyado ng diocesan office na si Analyn Aniceto, isang hindi kilalang lalaki ang ibig makita ang bintana ng bishop dahil gusto raw nito na maging katulad ng gagawing bintana nila ng bahay.
May teorya naman ang pulisya na mahigit sa dalawang magnanakaw ang pumasok sa nabanggit na lugar base na rin sa nadiskubreng footprints at fingerprints. (Ulat ni Charlie Lagasca)