PR man ni Bong Revilla todas sa ambush
August 25, 2001 | 12:00am
BACOOR, Cavite Namatay noon din ang isang reporter at umanoy PR man ni dating Cavite Governor Ramon "Bong" Revilla Jr., matapos na ito ay pagbabarilin ng apat na kalalakihan habang papalabas ng isang eskinita kahapon ng umaga sa Bgy. Zapote 4 ng bayang ito.
Ang biktima na nagtamo ng pitong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Dennis Ramos, 36, may-asawa, reporter ng lokal na diyaryong Boses at residente ng San Nicolas, Bgy. Molino 1 ng nasabing lalawigan.
Hindi pa nakikilala ang apat na suspek na pawang mga armado ng maiigsing baril na kaswal lang na naglakad sa kanilang pagtakas matapos siniguradong patay na ang biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Arboleda, may hawak ng kaso na dakong alas-11:30 ng umaga ay naglalakad si Ramos palabas ng eskinita galing sa kanyang ninong na nakilalang si Angel Bulag.
Hindi alam ni Ramos na nag-aabang na ang mga suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ito ng baril sa ibat-ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.
Si Ramos ay batikang reporter at sumulat na sa ilang pahayagan at pinakahuli ay ang Boses at dito siya tinaguriang Birador na pawang isinusulat nito ay pagpuna sa mga mali at katiwalian na ginagawa ng ilang pulitiko at opisyal ng pamahalaan sa lalawigan ng Cavite.
Tatlong anggulo ang tinitingnan ng pulisya kung ang pagpatay kay Ramos ay may kaugnayan sa droga, illegal gambling at pulitika. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am