^

Probinsiya

Natitirang suspek sa Espinosa murder, sumuko

-
MASBATE CITY — Sumuko na sa mga awtoridad ang itinuturing na pinakahuling suspek na bumaril at nakapatay kay Masbate Mayor Moises "Jun" Espinosa, Jr., kamakalawa ng umaga.

Ang suspek na isang preso sa Masbate provincial jail dahil sa kasong murder ay kinilalang si Alexander Bermoy, 35, may asawa, ng Brgy. Buenavista, Uson, bayang ito.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na boluntaryong sumuko si Bermoy bandang alas-8:30 ng umaga at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kasalukuyang nakalalabas pa ng nabanggit na kulungan.

Si Bermoy ay positibong kinilala ng mga testigo na bumaril kay Mayor Espinosa sa loob ng plaza sa Brgy. Bantigue noong Agosto 9 ng madaling araw.

Samantala, sinampahan na ng kasong multiple murder sa Masbate Prosecutor’s Office ang mga nadakip at sumukong suspek sa Espinosa murder. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AGOSTO

ALEXANDER BERMOY

BANTIGUE

BRGY

ED CASULLA

ESPINOSA

MASBATE MAYOR MOISES

MASBATE PROSECUTOR

MAYOR ESPINOSA

SI BERMOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with