Isa pang suspek sa Espinosa murder tiklo

MASBATE CITY – Isa pang suspek sa Espinosa murder ang iniulat na nasakote ng mga awtoridad sa pinagkukutaan nito sa cockfarm noong Linggo ng hapon sa Bry. Buenavista Uson ng lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ramilo Ayque, alyas Ramil, 32, binata, isang jailguard ng Masbate Provincial Jail at residente ng Brgy. Baic, Masbate City.

Nadakip ang suspek dakong alas-2:30 ng hapon matapos na magsagawa nang biglaang pagsalakay ang mga awtoridad sa naturang lugar. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments