Mag-utol dinedo sa PNP training camp
August 21, 2001 | 12:00am
Nabahiran ng dugo ang pagsasanay ng PNP-Public Safety Officers Candidate Course (PSOCC) matapos mapaslang ang isang pulis na kabilang sa mga participants at kapatid nito nang mapagdiskitahang pagbabarilin ng isang sibilyan sa Cebu City, kamakalawa.
Idineklarang patay sa Cebu City Medical Center ang mga biktimang sina SPO4 Davince Pestañas, nakatalaga sa Naga Police Station ng Cebu Provincial Police Office (PPO) at kapatid na si Reynaldo, isang sibilyan.
Ang suspek na kaagad inaresto ay nakilalang si Renato Flores ng Tuyan, Naga, Cebu na positibong itinuro ng mga testigo na siyang bumaril at nakapatay sa magkapatid.
Batay sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-11:20 ng umaga sa loob ng compound ng Regional Training Service (RTS) 7 habang ang nasabing pulis ay mahigpit na sumasailalim sa pagsasanay sa PSOCC.
Lumilitaw sa imbestigasyon, bigla na lamang umanong pinagbabaril ng suspek ang biktima na nakatayo sa di kalayuang bakuran ng nasabing compound at nadamay ang kapatid na si Reynaldo na nagkataon namang dumalaw sa RTS 7.
Sinabi sa ulat na tinangka pang tumakas ng suspek subalit naging maagap ang mga umaresto ritong operatiba ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended