Sintunadong kumanta dinedo sa videoke bar
August 14, 2001 | 12:00am
CAPALONGA, Camarines Norte Dahil sa sintunadong kumanta ang isang magsasaka ay pinagtulungang pagbabatuhin hanggang sa mapatay ng limang kalalakihan sa loob ng videoke house sa Brgy. Alayao ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Camelon, 44, may asawa, at hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan dahil sa tinamong maraming sugat sa ulo at ibang bahagi ng kanyang katawan.
Samantala, ang isa sa limang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Don Don Brutas ng nabanggit na barangay.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na magkakasamang nag-iinuman ang biktima at mga suspek subalit sa magkahiwalay na mesa sa loob ng hindi binanggit na videoke.
Dahil sa sintunadong kumanta ang biktima ay nairita ang mga suspek at biglang naglabasan.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, namulot ang mga suspek ng malalaking tipak ng bato at sabay-sabay na pinagbabato ang biktima hanggang sa mapatay ito. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended