22 MILF rebels sumuko
August 12, 2001 | 12:00am
COTABATO CITY Tinatayang aabot sa dalawamput dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels na responsable sa sunud-sunod na pagpapasabog sa South Cotabato-Sarangani-Gen. Santos City (Socsargen) area ang iniulat na boluntaryong sumuko sa pamahalaan kamakalawa.
Sa isang simpleng seremonya sa Gen. Santos City na pinangunahan ni Vice President Teofisto Guingona, ang mga nagsisukong MILF rebels ay kabilang sa 81 rebelde na kusang-loob na sumuko na nangakong makikipagtulungan sa anumang programa ng gobyerno.
Napag-alaman kay Major Julieto Ando, tagapagsalita ng Armys 6th Infantry Division, na ang grupo ng mga rebelde na nagsisuko ay pinamumunuan ni Najib Akmad alyas kumander Faisal.
Dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng PNP Regional Office 12 at 601st Brigade na nakabase sa Sarangani ay naisakatuparan ang naturang pagsuko ng mga rebelde. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest