Paslit todas ng masalpok ng tricycle

MENDEZ, Cavite – Idineklarang patay sa Tagaytay City Hospital ang isang tatlong taong gulang na batang babae makaraang salpukin ng isang tricycle habang ang biktima ay naglalaro sa harap ng kanilang bahay kamakalawa ang hapon sa Brgy. Anuling Cerca 2 ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mirasol Manlapaz habang ang suspek na driver ng tricycle ay boluntaryong sumuko sa pulisya ay nakilalang si Ghil Rosas, 33, may asawa ng Brgy. Palocpoc 2, Mendez, Cavite.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na bandang alas-3 ng hapon nang salpukin ng tricycle ni Rosas ang biktima na kasalukuyang naglalaro sa harap ng bahay.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok sa biktima, ito ay tumilapon ng may ilang metro at hindi na umabot pa ng buhay sa nabanggit na pagamutan. (Ulat ni Cristina go-Timbang)

Show comments