Nene isinilid sa sako bago itinapon sa ilog
August 10, 2001 | 12:00am
NAIC, Cavite Natagpuan kahapon ng umaga sa isang ilog ng Sitio Pritil, Bgy. Makina ang hubad na bangkay ng isang 10 taong gulang na batang babae na nakasilid sa sako na umanoy matagal nang nawawala.
Ang biktima na halos naaagnas at nakatali pa ang mga kamay at paa ay nakilalang si Mary Joy Jimelo, grade 3 pupil, residente ng Callejon St., Bgy. Malainen Bago ng bayang nabanggit.
Sa ulat ng pulisya na bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ng mga residente ang nasabing bangkay na nakasilid sa isang sako.
May butas ang bahaging ulo ng biktima na pinaghihinalaang pinalo ng kahoy na may pako sa dulo na naging dahilan nang agaran nitong kamatayan.
Pinaghihinalaan din na pinahirapan muna ang biktima ng mga hindi pa nakilalang mga suspek dahil sa mga tadtad na sugat nito sa buong katawan.
Batay sa pahayag ng mga kamag-anak ng biktima sa pulisya na dakong alas-4: 30 ng hapon noong nakalipas na linggo ay nagpaalam ito para magsimba at simula noon ay hindi na ito nakauwi ng bahay.
Kaya naman inireport ng mga magulang ang pagkawala ng biktima sa pulisya.
Sa kasalukuyan, ini-eksamin ang bangkay ng biktima kung ito ay hinalay ng mga hindi pa kilalang mga suspek. (Ulat nina Cristina Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest