Fr. Nacorda sasampahan ng libelo
August 10, 2001 | 12:00am
Nasaktan ang mga sundalong nagligtas sa kinidnap na paring Katoliko matapos nitong paratangan ang Army General na dati nilang pinuno, colonel at tatlong iba pa nang pakikipagsabwatan sa pagpapatakas sa nakorner na grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf, kapalit umano ng malaking halaga noong nakalipas na buwan ng Hunyo sa Lamitan, Basilan.
Inakusahan nang nailigtas na si Fr. Cirilo Nacorda sina dating Army 1st Tabak Division Chief, Brig. Gen. Romeo Dominguez, dating 103rd Brigade Commander Col. Juvenal Narcise, dalawang aides ni Narcise na sina Capt. Hubert Acierto at Nicolas Quemado gayundin ang Executive Officer ng 18th Infantry Battalion na si Major Eliseo Campued.
Sa isang press statement, sinabi ni Dominguez na masyadong mabigat ang paratang ni Fr.Nacorda na umanoy pawang haka-haka lamang at walang sapat na basehan na posibleng bunga nang dinanas nitong trauma sa kamay ng mga bandidong grupo.
Kaya naman nakatakda nitong sampahan ng kasong libel si Fr. Nacorda dahilan sa paratang nito na isang direktang pagsira sa kanyang reputasyon, kredibilidad, career bilang isang military official na nagsuperbisa sa pakikipaglaban ng mga sundalo sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Sinabi pa ni Dominguez na hindi nila hinihingi na tumanaw ng utang na loob at pasalamatan ni Fr. Nacorda ang mga sundalong nagligtas rito sa kamay ng kanyang mg abductors pero ang pag-akusa sa kanila na pawang haka-haka ay isa ng kalabisan at hindi niya ito puwedeng palagpasin.
Itinanggi rin ni Dominguez ang paratang ni Fr. Nacorda batay sa impormasyon umano ng ilang residente ng Lamitan na may dala siyang attache case na punung-puno ng salapi at umanoy pinaghatian nila nina Col. Narcise kapalit ng pagpapatakas sa grupo nina ASG leader Khadaffy Janjalani at Spokesman Abu Sabaya.
Magugunita na sa kasagsagan nang pangho-hostage ng mga bandido sa St. Peter Church at Dr. Jose Torres Memorial Hospital sa Lamitan, Basilan noong nakalipas na Hunyo 2 ay nagawa pang makatakas ng mga bandido gayong nakapalibot na ang mga sundalo sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am