350 kilo na 'hot meat' nasabat
August 7, 2001 | 12:00am
OLONGAPO CITY Umaabot sa 350-kilo ng mga kinatay na karne ng hayop ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Olongapo City Police Office (OCPO) at City Mobile Group, kamakalawa ng gabi sa Barangay Cabalan sa nabanggit na lungsod.
Sa ulat na isinumite ni Olongapo City Police Office (OCPO) Director Supt. Danilo Torio-Empedrad, nasabat ng pulisya ang isang XLI type jeep na may plakang CLY 117 na naglalaman ng mga karne ng baka at kalabaw.
Ganap na alas-10:45 ng gabi nang masabat ng pulisya ang naturang sasakyan sa kahabaan ng National Highway, Barangay Cabalan sa naturang lungsod.
Ang naturang "hot meat" ay pag-aari umano ni Sonia Mediabillo, 42, residente ng Cristobal St. Barangay Sta. Rita, Olongapo City.
Nabatid sa ulat ng pulisya, ang mga karne ay kinatay sa Dinalupihan, Bataan saka pinasok sa naturang lungsod ng walang kaukulang mga dokumento.
Napag-alaman pa sa ulat na dalawang meat officials sa naturang lungsod ang dumating sa tanggapan ng OCPO at sinabihan ang mga awtoridad na pakawalan ang mga nahuling hot meat. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest