Sa sagupaan ng NPA vs militar; 2 rebelde patay, 2 tiklo

NAGA CITY – Dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nasawi habang dalawa pang rebelde ang nasakote makaraang magsagupa ang magkabilang panig kamakalawa ng madaling araw sa Brgy. Amomokpok, Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ni Phil. Army Major Gen. Jacinto Ligot ang mga rebeldeng nasawi na sina Jesus Esemero, alyas Ka Nilo at isang alyas Ka Loren.

Samantala, ang mga nadakip namang rebelde ay kinilalang sina Matias Padilla Din, 20, Mechanical Engineering student ng UP, Quezon City at si Teresito Imperial Dela Peña.

Ayon sa ulat ng militar, naganap ang sagupaan laban sa rebelde habang ang mga tauhan ni Sgt. Rogel Lachica ay nagsasagawa ng foot patrol sa liblib na lugar sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments