Pulis na magreretiro nakuryente, todas
July 25, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Isang kagawad ng pulisya na umanoy magreretiro na sa kanyang serbisyo ang iniulat na nasawi makaraang makuryente habang nagkakabit ng antena ng telebisyon sa bubungan ng kanilang bahay sa Barangay Narra, San Jose del Monte ng naturang lalawigan, kamakalawa ng umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si SPO4 Eugenio Mundo, 52, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyong isinumite kay Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, umakyat ang biktima sa bubungan ng kanilang bahay upang kompunihin ang nasirang antena ng telebisyon.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na hindi namalayan ng biktima na ang hawak nitong mahabang tubo na kinakabitan ng antena ay sumabit sa high voltage na linya ng kuryente ng Meralco na naging dahilan upang ito ay mangisay.
Hindi naman nabatid ng police station ang pinapasukan ng biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended